4th Annual Business Forum, Gaganapin sa Navotas

MAGKAKAROON NG pagtitipon ang pamahalaan lokal ng Navotas City, upang magdaos ng ikaapat na Annual Business Forum sa darating Nobyembre 29, 2012.

Inaasahang dadagsain ng libong negosyante, ilang opisyal mula sa ahensiya ng gobyerno, at mga sibilisado sa lipunan na representante sa naturang pagtitipon na may temang “Dealing with Entrepreneur’s Approach in Achieving Business Growth”. Layon nito ay tatalakayin sa kalagitnaan ang mahahalagang bagay kung paano makamit at mapanatili ang pag-unlad sa negosyo gayon din para maengganyo at magsama-sama ang lokal na ekonomiya.

Mula sa city’s Executive No. 005, Series 2012, inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, na gamitin ang pagtanggap ng 2012 Citizen’s Charter of Navotas, alinsunod sa Republic Act No. 9845 or the “Anti-Red Tape Act”.

Ayon pa sa alkalde, ang nasabing pribilehiyo ay ipinatupad upang gawing simple at maayos ang mga patakaran gayon din ang mapabilis ang serbisyong maibibigay (frontline services), sa city hall isa na rito ang Business Permits and Licensing Office (BPLO).

“Before, it takes approximately 3 days, 1 hour and 5 minutes. But with the revised charter, it only takes a maximum of 30 minutes only,” ani pa ng alkalde.

Ang magiging tagapagsalita sa nasabing okasyon ay si Dean Francisco “Pax” Lapid, ng Go Negosyo Angelpreneur habang magbibigay ng inspirasyong mensahe si Cong. Toby M. Tiangco, kung saan hindi lamang magaling sa pagbibigay serbiyo-publiko kundi maging sa pagnenegosyo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.