494 na presong ginugutom, nag-ingay Jail warden, nilayasan ang puwesto

HINDI NA NAGDALAWANG-ISIP pang layasan ng jail warden ng Malabon City Jail, ang kanyang puwesto matapos itong kalampagin ng may 494 na preso sa nasabing kulungan nang magsawang mag ‘noise barrage’ dahil sa umano’y pinagugutuman ang mga ito at sa paghihigpit sa mga dalaw, iniulat kahapon ng hapon.

Sa ginawang ingay ng mga preso sa kani-kanilang mga selda, nabulahaw ang buong kulungan at mga jail guard hanggang sa makarating sa tanggapan ng jail warden.

“Ayon sa isang preso (ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan), gutom palagi ang kanilang inaabot sa loob ng kulungan at hinihigpitan pa ang kanilang pamilya na gustong dumalaw.”

Dahil dito, agad na binakante ni Chief Inspector Jerry Bantag, Malabon City Jail Warden na dati ring hinawakan ang Valenzuela City Jail kung saan siya ang nasa facilities office.

Pinalitan naman si Bantag pansamantala ni Jail Inspector Arnel Sorino. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.