Deadma lang sa mga batikos Zanjoe Marudo, mas mahalagang masaya sila ni Bea Alonzo

WALANG BAHID-DUNGIS NG kalamyaan sa mga kilos at pananalita itong si Zanjoe Marudo katulad ng naglipana at mga sumikat na aktor sa showbiz, kaya hindi mo naman siya maaasahan na kapag binabato ng mga intriga ay bubuwelta na kaagad siya, sasagot para maipagtanggol ang kanyang sarili. 

Una sa lahat, hindi pa masyadong showbiz ang sistema ng matangkad na aktor, kaya naman ang maraming intriga, pinalalampas na lang niya kesa makapagpaliwanag pa siya.

Katulad na lamang ngayon, iniintriga si Zanjoe na wala na raw yatang pinagkakaabalahan kundi ang bumuntot palagi kay Bea Alonzo. Hindi naman kasi nakapagtataka ito, dahil ang kulang na lang talaga sa kanilang dalawa ay pormal na pag-amin tungkol sa kanilang relasyon. Lagi na kasi silang napagkikita na magkasama, at obviously ay hindi na lang sila magkaibigan, at hindi rin sila nagliligawan lang, dahil parang may sarili na silang mundo na silang dalawa lang ang pupuwede roon.

Masaya si Zanjoe sa closeness nila ngayon ni Bea. Hindi naman napapabayaan ng aktor ang kanyang propesyon bilang artista kahit pursigido siya sa kanyang pagmamahal sa magandang aktres. Sa katunayan, mayroong pagbibidahang teleserye si Zanjoe sa ABS-CBN, habang mayroon din siyang pelikulang ipalalabas mula sa Star Cinema.

Mas inspirado pa nga si Zanjoe na tahimik lang at dire-diretsong magtrabaho kapag umaapaw sa kaligayahan ang kanyang puso. Kaya deadma lang siya sa mga batikos, dahil ang mahalaga, masaya silang dalawa ni Bea.

 

NAGTATAGAL ANG RELASYON nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, dahil pareho naman nilang inaalagaan ang kanilang pagtitinginan sa isa’t isa. Pareho silang busy sa kanilang magkakahiwalay na mga trabaho, pero laging bukas para sa kanilang dalawa ang communication para nagkakaalaman sila sa buong maghapon. Ang kani-kanilang mga magulang ay umaasa na talagang sa kasalan mauuwi ang nasabing relasyon, pero kung kailan, ay parang malayo pa sa plano nina Toni at Direk.

Sobrang naipangalandakan siyempre ang tungkol sa kanilang relasyon, dahil ang tagal-tagal ni Toni bago nagkaroon ng boyfriend. Ang daming nagparamdam ng panliligaw kay Toni, pero lumaylay na silang lahat at dumistansiya nang aminin ni Toni ang tungkol sa kanila ni Direk Paul. Nitong huli, lihim na pinag-usapan na mayroon daw isang young actress na parang nagpaparamdam kay Direk Paul. Pero hindi na lumaki pa ang isyu, dahil hindi iyon pinansin ni Toni, at maging si Direk Paul ay hindi rin binigyan ng panahon ang tsismis na iyon.

Diretso lang ang pagsikat ni Toni, dahil hindi mahilig pumapel si Direk Paul sa popularity ng kanyang karelasyon. Ang katunayan niyan ay laging patok sa takilya ang mga pelikula ng magandang TV host. Pagkatapos tumabo sa takilya ang My Amnesia Girl, muli na namang inaaba-ngan si Toni sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema.

Ang pagpapakatotoo ni Toni ang isa sa mga katangian niya na minahal ng kanyang mga tagahanga. Tsikadora si Toni, kaya hindi siya puwedeng maglihim. Ipinagpapasalamat ni Toni, na tanggap siya ng masa kahit may boyfriend na siya, at pinapanood din ang kanyang mga pelikula kahit sino ang kanyang makapareha.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY sa dating pa-ngulo ng Philippine Movie Press Club na si Roldan F. Castro. Good health ang wish ko para sa kanya, dahil sobrang busy siya at hindi na halos nagpapahinga. Pangalawang bahay na niya ang kanyang car, dahil iniikot na niya halos ang buong Pilipinas patungo sa kanyang mga karaketan. Kaya sobrang rich na siya ngayon.  Hindi na siya ma-reach! Talbog!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Deadma lang sa mga batikos Zanjoe Marudo, mas mahalagang masaya sila ni Bea Alonzo

  1. o yan hindi daw takaw sa publicity. nag promote ng movie nya with Toni and Eugene, pero ang pinag uusapan si Bea. sinong nilolomo mo? ano bang pwedeng pag uusapan sa iyo maliban sa pagkkalink mo kay Bea di ba WALA?

  2. zanjoe is a gentleman..naniniwal na ako sa’yo..username pa lang ehhh and with toni gonzaga..nasabi ko na at na isa siya sa mga stars ng GMA na nang mag-ober da bakod ay gusto ko pa rin

  3. anong hindi takaw sa publicity, bulag ka ba? halos nasa tv sila palagi sa mga sightings sa kanila. ano naman ang tawag dun? and to be fair with Mariel naghiwalay na sila ni Zanjoe ng mainvolve sya kay Robin. nagsawa na sya sa kakagamit ni Zanjoe sa kanya. manggagamit ang taong yan. ngayon si TIBORSKI na naman ang ginagamit nya. bagay nga sila. isang TIBO at isang kabit ng bakla. nakakadiri ang dalawang ito. paano malunok ni beyag ang laway ni zanjoe after nyang makipag churvahan sa bakla. mahinhin daw, sinong niloloko ng dalawang ito.

  4. magaling tlga c zanjoe magtago ng kabaklaan ny.they have somthng in common ni bea pareho cl may tinatagong relasyon s executives ng ABS,

  5. Zanjoe Marudo is a real gentleman. He chose not to say anything when he split up with Mariel Rodriguez. Alam naman natin ang dahilan. A few weeks after they came back from a cruise with the Banana Split gang, Binoe and Mariel became an item. Ang bilis, di ba ? Mas gusto ko sila ni Bea Alonzo. Mestisa at tall dark and handsome. Hindi rin sila takaw sa publicity dahil pinili nilang manahjmik, hindi katulad ng dalawang pares na ibinandila pa ang pagpunta sa Vatican na wala namang nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.