Nora Aunor, balik-‘Pinas, balik-intriga?!

AUGUST 2, MGA alas-kuwatro ng mada-ling-araw, lumapag na ang PAL flight PR 103 sa Centennial Terminal 2. Lulan sa nasabing flight ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Matapos ang halos walong taong pamamalagi sa Amerika, at sa ilang beses na pagkaunsiyami ng kanyang napapabalitang pag-uwi, natuloy na rin sa wakas ang muling pagbabalik sa bansa ni Ate Guy.

Dagsa sa labas ng airport ang pulutong ng mga sabik na tagahanga ni Nora. Kasama sa mga espesyal na taong sumalubong na namataan namin sa airport sina Kuya German Moreno, Laguna Gov. ER Ejercito, Jobert Sucaldito at ang Vice-President for Entertainment ng TV5 na si sir Perci Intalan.

Bago pa man lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Ate Guy, sari-saring emosyon ang nasaksihan namin mula sa kanyang loyal Noranians. May mga kumakanta, may mga taong nangingilid ang luha at merong tahimik na lang sa isang sulok at nagdadasal siguro para sa kanilang idolo.

Ilang sandali lang mula nang inanunsiyo na lumapag na nga ang PR 103, tilian at sigawan na ang mga fans. Hanggang sa lumabas na nga ng airport kasama si Miss Suzette Ranillo at ang mga VIP na sumundo sa Superstar, hindi na magkarinigan ang mga tao.

“Ang saya-saya ko, at last nandito na ako,” ang tanging nasabi ni Ate Guy sa mga katanungan ng media.

Dumiretso si Ate Guy sa kanyang mga tagahanga at halos hindi na sila magkamayaw sa pagsigaw sa kanyang pa-ngalan. Iyakan ng saya ang namutawing ingay mula sa mga fans.

“Masaya ako at nakapiling ko na ulit sila. Salamat sa TV5, kay Gov. ER at Kuya Germs.”

Hindi nagbigay nang mahabang panayam si Ate Guy dahil pagod siya at sa presscon na lang daw siya makikipag-usap nang mahabaan sa mga press.

Welcome back, Ate Guy, and welcome home!

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

10 thoughts on “Nora Aunor, balik-‘Pinas, balik-intriga?!

  1. kahit ganyan itsura ni Nora hindi yan ma e compare sa mga bagong artista ngayon. kaya nga sikat sya hanggang ngayon. kahit wala na syang movie marami paring hindi naka limot sa kanya dahil sa sobrang galing nya sa acting.di gaya ng mga bagong gartista ngayon.minsang mawala sa showbiz mahirapan ng maibalik ang kinang!

  2. Free country nga ito pero tinuturuan tayong gumalang sa mga taong may halaga sa ating bayan. Kung may pagpapahalaga tayo sa history ng ating bayan, matuto din tayong galangin sila. Si Nora ay isa sa mga taong nag-ambag ng kasaysayan sa local showbiz, kung kaya nga binansagan siyang Superstar. Wag naman tayong maging bastos sa isang taong naging malaking bahagi ng history sa local showbiz. Si Nora ay tulad nila Vilma, Joseph Estrada, Gloria Romero, Christpher De Leon, Tirso Cruz III, at marami pa. Hindi siya kailanman naging laos dahil wala ng naging Superstar kundi siya lang. Siya lang ang nag-iisang Superstar noon at hanggang ngayon, hindi na mawawala yon. Pag sinabi at narinig nating Superstar, iisa lang ang nasa isip ng tao, si Nora Aunor.

  3. HOY KUNG AYAW NYO NG MGA COMMENT KO EH MANIGAS KAYO DYAN! FREE COUNTRY TAYO KAYA SASABIHIN KO ANG GUSTO KO HMMPPP!

  4. ANG TANDA MO NA PUTZIKS ISIP BATA KA PA. HALOS LAHAT NG NORANIANS AT VILMANIANS NGAYON NAGKAKAISA NA PAREHONG DAPAT IKARANGAL ANG 2 GREAT ARTISTS NA ITO.
    ANO KA STUCKED SA 70s. GROW UP !

  5. Ah ganun ! Kung sino man ang nega, ba’t nag-aksaya pa kau ng pg-comment? Baho at bastos bunganga nyo, dun kau mg-kalat sa artilce ng idolo nyo hoy! Truth is, NO other Phil. star – bar none – ever reached d phenomenon & achievements of a Nora Aunor, to this day ! Itaga yan sa talangka nyong utak !!

  6. hoy, sinu ka ba para magsaabi sa amin ng kung anp-ano? eh di namin feel si Nora anong magagawa mo? Vilmanian ako at di ako maka-himala

  7. IGALANG NAMAN NINYO ANG INSTITUSYON.AKO KAHIT HINDI KO NAABUTAN ANG KASIKATAN NI NORA HINAHANGAAN KO SIYA BILANG GREAT ARTIST GANOON DIN SI ATE VILMA DOLPHY AT GLORIA ROMERO.SANA BAGO KAYO MAG COMMENT NG NEGATIVE.MAGBASA MUNA KAYO NG HISTORY NG PHILIPPINE SHOWBIZ,ISA PA TATANDA DIN ANG MGA IDOLO NINYO.MAKIKITID ANG UTAK AT MGA BOBO NAKAKAHIYANG PATULAN.SORRY PERO BAKA MAKAHAWA PA.

  8. Magpa Belo ka muna Nora. Ala natural ang beauty mo pero kailangan ding humabol sa mga kasama mo sa industriya. Welcome home.

Leave a Reply

Your email address will not be published.