47, Patay sa Flashflood at Landslide Evacuees, Namomroblema sa CR

BALISA AT HINDI panatag ang mga lumikas sa kani-kanilang tahanan bunsod ng flashflood at landslide na resulta naman ng matinding pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Min-danao Region.

Ito ay nang makatanggap ng reklamo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi pagkain,tubig o tulugan ang problema ng evacuees kundi ang palikuran o comfort room.

Ito ay inamin naman ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos at sinabing sa mahigit 2,000 pamilyang nasa evacuation centers, kakulangan sa palikuran ang problema.

Ipinagmalaki ng opisyal na sapat ang supply ng pagkain at inumin suba-lit aminadong hindi nila napaghandaan ang karagdagang CR.

Samantala, sa datos ng NDRRMC, 4 lamang na kalalakihan pa ang nawawala sa nasabing kalamidad habang  47 pa rin ang bilang ng mga nasawi.

Nasa 309,000 pamilya o katumbas ng 1.6 milyon na indibidwal ang apektado ng kalamidad sa 15 lalawigan sa bansa. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.