Despite of negative criticisms, Vice Ganda still receives many blessings

 

WOW! VERY SUCCESSFUL ang 2 shows in one day ni Vice Ganda sa Dafna Ballroom ng Sheraton Hotel, Doha, Qatar last July 15. Hindi makapaniwala ang “Unkabogable Star” na almost 3 weeks lang ang preparation nito, pero punumpuno ang venue.

Kaya nga habang binabato ng mga paninira si Vice ay pa-tuloy naman ang mga blessings sa kanya. Kaya wala na ring panahon ang bakla na intindihin pa ang mga bumabatikos sa kanya. Normal lang naman ‘yan. We can’t please everybody.

Katuwiran na lang namin, eh kung ‘yun ba ang makapagpapasaya sa kanila, eh ‘di at least, we made them happy.

Saka sa katitira nila ke Vice, hindi nila namamalayan, nakakalimutan na nila ‘yung mga taong dapat nilang pinahahalagahan.

Saka lahat naman ng umaa-ngat, nakakatikim ng hagupit mula sa mga taong insekyur. Hinahanap nila sa ibang tao ‘yung wala sa kanila. Marunong namang tumanggap ng constructive criticisms si Vice. Depende kung may punto o may hidden agenda ‘yung tumitira. Sabi nga ng isang talent manager, “Biktima rin ang mga alaga ko, kaya apir na lang tayo, Ogs!”

 

LONDON BRIDGE IS falling down, falling down, falling down… Yes! Nasa London kami ngayon, dahil ipinadala kami ng Globe Telecom para mag-host ng Globe contest para sa mga kababayan nating nagtitipon tipon para sa kanilang taunang Barrio Fiesta.

Grabe, may 250,000 pala ang mga Pinoy rito, samantalang dyuskopo, ke mamahal ng bilihin. Kaya naman ang suweldo nila ay matataas din.

Siyempre, dahil first time namin sa London, itinur kami ng mga friends namin na London-based na sina Ms. Gen Ashley at mister ng high school classmate naming si Rannie Castillo.

Gora kami ng Buckingham Palace kung saan picture ta-king ang drama namin sa facade. Sa Kensington Palace din kung saan nakatira ang nama-yapang si Princess Diana.

Gora rin kami sa pinaka-mall nila, ang Harrods kung saan pa-picture din kami sa shrine nina Lady Di at Dodi Al Fayed kung saan naka-display rin ang kanilang engagement ring.

Sa sushi bar sa loob ng Harrod’s nagmeryenda at ang sabi ng Pinoy waiter doon, “’Yang inuupuan mo, d’yan nakaupo si Leo-nardo Di Caprio two months ago, kaya nagpapiktyur na kami, hahahaha!”

Sumakit ang paa namin sa kagagala, pero ganu’n pa man, parang nandu’n ang pride namin sa mga kapwa Pinoy, dahil isa sila sa nagpapaunlad ng London.

Pero siyempre, kung kami ang tatanungin, iba pa ring makipagsapalaran sa sariling bayan. Suwerte-suwertihan lang siguro ‘yan.

Pero saludo pa rin kami sa sipag, tiyaga at honesty ng mga Pinoy sa London. Ituloy n’yo lang ang pagpupunyagi, mga Kapamilya!

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Despite of negative criticisms, Vice Ganda still receives many blessings

  1. mark my word, VICE GANDA is another MONSTER-in-the-making. his brand of jokes which is very mean and offensive in the guise of fun and laughter is not for general patronage and therefore should not be aired during noontime nor primetime. Children and teeners and even some adults watching cannot process his jokes well and that’s where the danger lies.

  2. talagang panahon lang ngayon ni vice ganda. pero kahit hindi ko napanood yung show, alam naman nating lahat na may contribution din dun si rufa mae..magaling talaga siyang comedienne…

  3. Pingback: Despite of negative criticisms, Vice Ganda still receives many blessings | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

  4. Ogie, pag ginamit mo ang despite, wala nang dugtong na OF, hindi yan tulad ng in spite of, anyway, congratulations to Vice Ganda for his successful career. Wag lng lalaki ang ulo nya at maging wise sa kanyang mga income and investments para pag dumating ang panahon na maging matumal ang trabaho, he will not end up a poor and has been comedian.

  5. Ayos ang show ni Vice dito sa Qatar pero di lang naman si Vice ang nagdala ng show, magaling pa rin at walang kupas si Rufa Mae Q. at halos lumuwa na ang kaluluwa nya sa damit na suot nya, un talaga ang inaabangan ng mga arabo at pinoy hahahaha

  6. SANKATERBA ANG PORSYENTO NI OGIE SA KINIKITA NI VICE GANDA.ALAM MO OGIE,HUWAG MONG TAWAGING INSEKYUR ANG MGA PUMUPUNA SA ALAGA MO KASI MAY KARAPATAN ANG BAWAT ISANG MAGPAHAYAG NG OPINYON.IKAW NGA GRABE KUNG MANLAIT NG KAPWA MO.ANO KA DIKTADOR.MAGBILANG KA NA LANG NG PERA AT TUMULONG SA MAHIHIRAP PARA MAS DUMAMI ANG BLESSINGS NINYO  I AM SURE IKAW ANG INSEKYUR KAY VICE TIKOM LANG BIBIG MO KASI MANAGER KA NIYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.