46 na Kubrador ng Jueteng, Tiklo

HULI SA akto na nagpapataya ng Jueteng ang umaabot sa 46 kubrador sa hiwalay na illegal gambling operations ng pinagsanib na puwersa ng Isabela Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), PNP Intelligence Group (IG), Isabela Police Provincial Office, San Mateo at Cabatuan Police Station sa nasabing lalawigan.

Nadakip ang 32 kubrador sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Nakilala naman ang mga ito na sina Welnan Morales, Kevin Castillo, Melchor Bugawan, Marvin Castillo, Jhesper Ipina, Joel Viloria, Andy Baon, Marlon Marade, Melchor Braza, Mico Mendoza, Jason Kalaw, Aris Lubay, Sam Santos, Crisencio Flores, Rey Ilaw, Rogelio Diaz, Alan Bautista, Violy Baleroso, Melanio Olonan, Romeo Servantes, Geral Coloma, Danilo Bansoy, Joel Panisa, Emil Madonja, Federico Casamina, Frederic Ventura, Eduardo Matias, Billy Villanueva, Alfredo Pagaduan, Emiliano Pascual, Jeffrey Perez at Richard Dumagtoy.

Samantala sa Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela, umaabot sa 14 na Jueteng kubradors ang naaresto na kinilalang sina Roberto Ramos, Marcelo Marabe, Rogelio Rosario, Emerlio Vina, Deonard Soriven, Romulo Cuntapay, Daniel Saet, Salvador Vendillo, Rodel Dangani, Rony Salvador, Roger Aladzar, Danilo Sumaong, Datuin Pero at Joel Acosta

Una rito may natanggap na impormasyon ang mga kinauukulan na may naglalaro ng sugal na jueteng sa naturang mga lugar kung kayat kaagad silang nagsagawa operasyon na naging daan ng pagkakahuli ng mga salarin.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang pera na nagkakahalaga ng P33,290,00 at mga jueteng paraphernalia.

Kasalukuyang inihahanda na ng mga kinauukulan ang kasong paglabag sa RA 9287 o illegal gambling laban sa naturang bilang ng jueteng kubrador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.