45 BoC Collector, Nagbitiw na; 9 pa, Kapit-Tuko pa Rin

APATNAPU’T LIMA sa 54 kolektor ng Bureau of Customs (BOC) ang binakante na ang kanilang puwesto sa nasabing ahensya kasunod ng naging panawagan ni Commissioner Ruffy Biazon.

Una nang sinabi ni Biazon na aaksyunan niya ang mga tatangging magbitiw sa puwesto.

“By the end of the day, if I don’t receive all those letters, I will have the judgment. It only means they are not with me, and if they are not with me, they are against me,” ani Biazon.

“Compliance na lang yun eh, saan ba kukuha ng kapal ng mukha?”

Tiniyak ng komisyoner na maaalis pa rin sa kanilang puwesto ang mga hindi tutupad sa kautusan.

Maaalala na naging serye ang pagbibitiw sa BOC matapos ang pagpuna ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa tanggapan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.