TRUST Bunong Braso Challenge sa Baguio, Dinumog!

HINDI NAPIGILAN NG ulan ang pagdumog ng mga taga-Baguio sa TRUST Bunong-Braso challenge na ginanap sa People’s Park sa Baguio noong Sabado, Mayo 14. Labing-anim na kalalakihan sa dalawang dibisyon ang nagbuno at nagtagisan ng lakas sa bunong-braso hanggang sa maitanghal ang mga kampeon sa Qualifying Tournament na ito.

Bagama’t umulan na lalong nagpalamig sa klima, hindi bumitiw ang mga nanood at matamang tinunghayan kung paanong nagbuno sa championship round sina first placer Stanley “Steel” Mendoza, second placer Christ Allen “B-Rad” Medina at Daniel “Jun” Alupay sa Lightweight Division. Sa Heavyweight division, naging kapana-panabik ang laban lalo na kapag ang bulag na si Alfonso “Fonso” Fanasan ang lumalaban. Sa huli, itinanghal na third placer si Fonso, second placer si Tony Parrocha at kampeon si Kadsan “Milkman” Gaspar.

Pero laking gulat ng lahat nang ang second placer sa Heavyweight division na si Tony Parrocha ay piniling makipagpalit ng puwesto sa third placer na si Alfonso “Fonso” Fanasan. Hindi raw kasi niya magagampanan ang pumunta sa Maynila para sa grand finals sa Agosto dahil sa trabaho nito bilang jailguard. Nagpalakpakan ang lahat sa desisyong ito ni Tony Parrocha.

Sina Steel Mendoza at B-Rad Medina sa Lightweight division, at Milkman Gaspar at Fonso Fanasan sa Heavyweight division, ang tutuloy sa Grand Championship at doon makikipagtagisan upang makamit ang tumataginting na P100,000.00 cash prize mula sa TRUST Quality Condoms. Ang mananalong overall Grand Champions sa bawat dibisyon sa Agosto 6, 2011 sa Metro Manila ay tatanghaling mga “National TRUST Bunong Braso Champions” at tatanggap ng P100,000.00 cash prize.

Bukod sa kapana panabik na Bunong-Braso competition, ang performance ni SexBomb Monique ay nagbigay-kasiyahan din sa audience. Lalo pang nagsigawan sa tuwa ang audience nang game na game na nakipag-showdown si Monique sa bunong-braso players na sina B-Rad Medina, at nagpabuhat na parang baby sa challenger na si Tony Parrocha.

Ang mga kinatawan ng TRUST Quality Condoms na sina Mr. Gene Lester Resurreccion, Division Head, Mr. Emmanuel Alfonso III, Product Manager, at Mr. Edwin Batalla, Operations Manager ay nandoon din para magbigay-suporta sa mga Bunong Braso challengers.

Ang lahat ng mga matitipuno at matitikas na kalalakihang may edad na 18 pataas ay inaanyayahang sumali sa susunod na Qualifying Tournament ng 1st Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge na gaganapin sa May 28, 2011 sa Doña Ata Covered Court, Brgy. Marulas sa Valenzuela City.

Ang mga susunod pang Qualifying Tournaments ay magaganap sa sumusunod na mga lugar sa buong bansa: Batangas City (Hunyo 11), Davao City (Hunyo 25), Cebu City (Hulyo 2) at sa Quezon City (Hulyo 23).

Para sa mga karag-dagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge, maaari kayong mag-text o tumawag sa mga numerong ito: (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile Subscribers, (0949)323-6788) para sa Smart at Talk n Text at (0932)527-4228 para naman sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa email address na ito: trust_bbc@yahoo.com.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “TRUST Bunong Braso Challenge sa Baguio, Dinumog!

Leave a Reply

Your email address will not be published.