Ina Raymundo is still sexy inspite of having four kids!

DUMALO KAMI SA 34th Gawad Urian noong Martes sa Marriott Hotel sa may Resorts World sa Pasay City. Nakita namin si Ina Raymundo, kung saan siya ang tumanggap ng tropeo para kay Direk Jeffrey Jeturian na nanalo para sa pelikulang Tuhog na ginawaran ng Dekada award.

Seksi pa rin ang ‘Sabado Nights’ girl kahit na apat na ang kanyang anak. Handa namang sumabak muli sa showbiz si Ina basta lang daw hindi masyadong makain ng taping ang kanyang schedule dahil hands on mom daw talaga siya. Welcome back, Ina!

 

IN FAIRNESS, STAR-STUDDED ang 34th Gawad Urian, at halos dumating lahat ang mga nagwagi. Isa sa mga inaabangan ng mga TV Crews na nandu’n ay ang nominado sa pagka-Best Actor para sa indie movie na Muli na si Sid Lucero, dahil ito na marahil ang pagkakataong makapagsalita siya tungkol sa isyung panunutok diumano niya nang screwdriver sa isang sales clerk.

Dumating nga si Sid Lucero pero hindi namin siya tuwirang nakausap dahil nasa loob kami ng theater ng mga sandaling rumampa siya sa red carpet. Pero ayon sa katotong Morly Alinio, sabi raw ni Sid ay sana du’n lamang tayo sa katotohanan at huwag basta-basta maniwala sa mga naisusulat at naririnig.

Ang buong panayam kay Sid ay mapapanood sa Paparazzi sa Linggo kaya pakatutukan.

 

DUMAAN KAMI SA Candie’s fashion gala noong Sabado, May 14, sa may Mall of Asia Ice Scating Rink kung saan rumampa ang magkapatid na Maxene at Elmo Magalona. Sobrang tinilian ng audience ang guwapong binatang rapper na sumayaw-sayaw pa sa ramp habang kumakanta at rumarampa.

Pero ang lalong tinilian ng mga taong dumalo ay ang tatlong guwapong bagets na produkto ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 na sina Bret Jackson, Ivan Dorschner and James Reid.

Ang mas nakakatuwa pa rito, binigyan ng importansiya ng fashion brand ang kapakanan nang mga kabataan kaya naman inilunsad nila ang Candie’s Foundation noong 2001. Ang pinaka-mission ng nasabing foundation ay turuan ang mga batang babae tungkol sa mga magiging resulta ng pagbubuntis nang maaga o teenage pregnancy. ‘Yun na!

 

SA LAUNCHED NG kanyang bagong endorsement, natikman ng mga dumalong press at mga media planners ang masarap at mamula-mulang hotdog na iniendorso ng Kapuso hunk at iisa lang ang nasabi nila, masarap at makatas ito. At sa aming panayam sa kanya kasama ng iba pang press na nandu’n, kinulit namin si Aljur kung ano nga ba ang ibinulong niya kay Ai-Ai noong magkita sila sa concert ni Sam Milby.

Isip isip muna ang actor bago sumagot, at ang tangi niyang nasabi, “Ah, inimbitahan niya kasi ako sa kanyang birthday.” Kuhang-kuha kasi sa camera nang Paparazzi nang TV5 ang ginawang pagbulong niya kay Miss Ai-Ai na ikinakilig naman nito. Sagot daw niya sa comedy concert queen ay sisikapin niyang maka-attend at malayo pa naman ito. November 11 pa ang birthday ni Miss Ai-Ai.

Sa tanong naman kung possible kayang ma-inlove si Aljur kay Ai-Ai, sagot naman niya, “Hindi ko nakita ko ang sarili ko sa ganu’n bilang respeto kay Miss Ai-Ai.”

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Ina Raymundo is still sexy inspite of having four kids!

  1. writer ka pero parang laging wrong grammar ka te?

    SA LAUNCHED NG kanyang bagong endorsement -> WOW AH!, baka LAUNCH or LAUNCHING! ano ito? LAUNCHEONED MEAT? hahahahahahahaha

    CHaka mo te. bubonika ka pa , writer ba yan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.