42,143 High School Students, Natulungan ng Career Seminar

 

NAGING MATAGUMPAY ang mga ginanap na Career Coaching Seminar (CCS) na inisponsoran nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri na layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga high school student kung ano ang kanilang dapat kuhanin na kurso sa kolehiyo.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Mayor Recom mula sa Labor and Industrial Relations Office (LIRO), umabot na sa 42,143 high school students ang napasama sa CCS simula noong 2008 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Mayor Echiverri, mahalaga ang magkaroon ng CCS dahil sa pamamagitan nito ay lubos na mauunawan ng mga high school student kung ano ang mga nararapat na kurso ang kanilang dapat na kunin pagsampa ng mga ito sa kolehiyo.

Sa pamamagitan kasi ng seminar na ito, ipinaaalam sa mga high school student kung ano ang mga kursong patok sa kasalukuyan at kung ano ang nararapat sa kani-lang kakayahan at abilidad nang sa gayon ay madaling makakuha ng trabaho ang mga ito pagka-graduate.

Dahil sa paraang ito, marami sa mga estudiyante ang nagsabi na dapat na bago tumuntong sa kolehiyo ang isang high school students ay kailangang dumaan muna ang mga ito sa CCS upang maunawan nito ang ilang bagay bago magkolehiyo.

Base pa sa record na nakalap sa LIRO, noong 2008 nang simulan ang CCS kung saan ay 8,266 na high school students ang nakinabang sa nabanggit na seminar; 802 noong 2009; 14,311 noong 2010 at 18,764 noong 2011.

Sinabi pa ng alkalde na sa mga darating na taon ay tataas pa ang bilang ng high school students na makikinabang sa CCS dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng kaparehas na seminar.

Umaasa rin si Mayor Recom na sa pamamagitan ng pagdaan sa CCS ng mga high school student ay hindi na magkakamali ang mga ito sa pagpili ng kukuning kurso pagda-ting sa kolehiyo nang sa gayon ay magiging madali na ang kanilang pagha-hanap ng mapapasukang trabaho.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.