41 Palea members, kinasuhan

IPINAGHARAP NG KASONG kriminal ang 41 kasapi ng PAL Employees Association (PALEA) kaugnay sa diumano’y pananakot at pagharang sa trak ng PAL noong nakalipas na Oktubre 29.

Sa inihaing reklamo ng PAL sa Pasay City Prosecutor’s office, idinetalye ni PAL security officer Zeny Agbay kung paano umano marahas na pinigilan ng mga taga-PALEA ang papalabas na trak lulan ang pagkaing isasakay sa flight ng PAL.

Naglakip si Agbay ng mga litrato at video bilang patunay sa paggamit ng dahas sa pagharang ng trak, kabilang ang bantang sasaktan ang mga nakasakay sa trak at susunugin pa ang nasabing sasakyan.

Bilang protesta sa outsourcing ng PAL, nagtayo ng kampo at picket ang PALEA simula noong Setyembre 27, 2011 sa harap ng PAL Inflight Center na kinalalagyan ng kitchen facilities at tanggapan ng cabin crew.  (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.