4,000 Navoteños, Nakinabang Sa 4P’s

APAT NA libong pamil-yang residente ng Navotas ang naging benepisyaryo sa programa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development na nagsimula pa noong 2008.

Ipinagdiwang ng lungsod at ng DSWD ang limang taong magkatuwang sa naturang programa kasabay ng pagkakaroon ng Convergence Caravan na may temang “Sama-sama sa Pagsulong ng Sambayanan” .

Sa pangunguna ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang pagdiriwang ay dinaluhan din ni DSWD NCR Dir. Alicia Bonoan, kung saan sinabi nitong sa susunod na taon ay magdadagdag ng 7,000 Navoteño pamilya bilang dagdag sa 4,000 bilang ng (4Ps) benepisyaryo ng lungsod.

Ang pamilya Villanueva ang napili bilang benepisyaryo sa taong ito bilang Huwarang Pamilyang Pilipino 2012, samantalang noong nakalipas na taon ay ang pamilya Cuevas.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang kinatawan ng lungsod na si Navotas na si Tobias M. Tiangco dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga Navoteño sa programa ng lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.