4,000 Kababaihan, Nailigtas sa Cervical Cancer

HIGIT SA apat na libong kababaihan ang nailigtas sa nakamamatay na sakit ang cervical cancer, dahil sa patuloy na pagtutok ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Navotas sa kalusugan ng mga residente.

Sa pagsusumikap ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga programa, nakakuha ng mga suporta ang nasabing alkalde sa iba’t ibang sektor lalo na sa pribado at pinamunuan nito ang Gender and Development (GAD) Council.

Ayon pa sa alkalde, nalaman na ilan sa mga nangu-ngunang sakit sa lungsod na kanser ay ang sakit ng mga kababaihan tulad ng breast cancer, cervical cancer at uterine cancer, dahilan upang kanya itong tutukan.

Nitong nakaraang taon August 8, 2011, ang pamahalaan lokal ng Navotas ay nakipag-ugnayan sa Glaxo SmithKline at Bravehearts Foundation Inc., upang isulong ang adbokasiya at kampanya laban sa nakamamatay na sakit ito sa pamamagitan ng “Big Fight Against Cervical Cancer” upang itaguyod ang kaalaman at kung paano maiwasan ang nabanggit na sakit.

Kaya naman patuloy ang pamunuan sa Cervical Cancer Screening Program at pap smear sa kababaihan nang sa gayon hangga’t maaga ay maagapan agad na mabigyan ng lunas sakaling maging positibo ang mga ito sa naturang nakamamatay na sakit.

Ayon naman kay Dra. Liberty Domingo, Navotas Acting City Health Officer, target nila ang may 4,000 kababaihan edad 20-60, kung saan umabot na sa 3,575 na kababaihan ang sumailalim sa eksaminasyon.

Lumabas din sa kanilang record na may 2 babae na may 1% na positibo sa naturang sakit at 1,430 naman ang kaso na nasa 40% ang may konting inpeksiyon na kung saan hinahahanapan na rin ng Gynecologist ng City Health Office para irekomendang magpagamot.

Ang Cervical Cancer Screening Programang ay magtatapos sa December 5, 2012. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.