400 Used Cars sa Port Irene, Haharangin

 BINIGYANG-DIIN NG Palasyo na iiral ang batas kaugnay sa napaulat na nakatakdang pagdating sa bansa ng may 400 imported used cars sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na tatalima lamang ang Bureau of Customs (BOC) sa naunang ruling ng Supreme Court na mahigpit na nagbabawal sa pagpasok ng ilang used vehicles.

Maaalala na sang-ayon sa desisyon ng Supreme Court, pinagtibay nito ang Executive Order 156 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maituturing na smuggling ang pag-aangkat ng second-hand vehicles.

Kaugnay nito, muli ring binigyang-punto ni Valte na walang kaugnayan ang pulitika sa naturang hakbang ng pamahalaan.

Una rito, idinawit naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Senate President Juan Ponce Enrile sa umano’y isyu ng smuggling sa Port Irene.

Si Enrile ay kaalyado ng United Nationalist Alliance nina dating Pangulong Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.