400 na Pulis, babantayan ang seguridad ng Dinagyang 2012

PREPARADO NA ang Iloilo City Police Office (ICPO) para sa Dinagyang Festival 2012.

Ayon kay Police S/Supt. Marieto Valerio, direktor ng Iloilo City Police Office (ICPO), 85 percent na silang nakahanda sa pagpapatupad ng seguridad sa aktibidad.

Umaabot sa 400 na mga pulis mula sa Regional Public Safety Battalion ang ide-deploy sa lungsod at 500-800 na mga miyembro ng barangay peacekeeping action teams at barangay tanod.

Ang security plan para sa Dinagyang ay isasapinal pagkatapos ng isasagawang pagpupulong ng itinatag na komite.

Ayon kay Valerio, umaabot sa 15 na mga VIP’s o very important persons ang dadalo sa highlight ng nasabing taunang kapistahan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.