400-K Trabaho, Bubuksan sa Labor Day

UMAABOT SA 406,700 ang nakahandang trabaho para sa isasagawang jobs fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa May 1, 2013, Labor Day.

Sinabi ni  Labor Sec. Rosalinda Baldos na ang taunang jobs fair ay isasagawa ng 16 na regional offices para sa mga naghahanap ng trabaho, mga new graduates, balik bayan at maging sa mga displaced Pinoy workers.

Kabilang aniya sa mga bakanteng pwesto na kai-langang punan ay managerial position, professional, technical, skilled at iba pa.

Habang kabilang sa mga makiisa sa nasabing jobs fair ay employers mula sa business outsourcing, tourism, banking and finance, hotel and retaurant, health and wellness at construction sectors.

Samantala, aabot sa halos 3,000 local employers ang makikibahagi sa jobs fair, kasama na rito ang i-lang recruitment agencies para sa halos 200,00 trabaho sa ibayong dagat.

Sa Metro Manila, idaraos ang jobs fair sa Rizal Park, kaya’t hinihikayat ang mga naghahanap ng trabaho na magdala ng bio data, ilang mahahalagang dokumento tulad ng police at NBI clearance, school records at iba pa na posibleng kailanganin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.