40 Taiwanese at 12 Chinese, Tiklo sa Cybersex

SINALAKAY NG mga kinauukulan ang isang resort sa Vigan City, Ilocos Sur dahil sa umano’y reklamo ng cybersex. Naaresto roon ang 40 Taiwanese at 12 Chinese.

Dinala ng mga awtoridad sa opisina ng Bureau of Immigration (BI) sa Laoag City ang mga nahuli upang maberipika ang kanilang mga papeles at pasaporte, kung saan nadiskubreng valid naman ang kanilang mga dokumento maliban sa isang Taiwanese na nag-expire ang pasaporte nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ng Immigration na magmumulta lamang ang nag-overstaying at wala namang kasong isasampa dahil walang ebidensyang nakuha laban sa kanila ukol sa cybersex.

Lumalabas pa sa pagsisiyasat na mga turista ito na karamihan ay mga estudyante.

Inirekomenda ng Immigration na ibalik ang mga ito sa Vigan City.

Ayaw namang magkomento ng mga Taiwanese at Chinese sa pagkadakip sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.