40, Patay sa bagyong Agaton – NDRRMC

UMABOT NA sa 40 ang naitalang nasawi habang lima ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Base sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 65 ang naireport na nasugatan mula sa Region 9, 10, 11 at Caraga.

Nakapagtala naman ng landslide, pagbaha at dalawang aksidente sa karagatan dahil sa bagyo sa Region 8, 9, 10, Caraga at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kabuuang 123,444 pamilya o 587,115 indibidwal mula sa 15 probinsya sa Region 10, 11, Caraga at ARMM ang apektado ng nasabing bagyo.

Kahit hindi pa tumatama sa kalupaan, naminsala na ang bagyong Agaton ng kabuuang P313,784,368; P101,118,750 dito ang sa imprastraktura at P212,665,61 sa agrikultura.

Habang sinusulat ang balitang ito, may posibilidad na maaari pang madadagan ang bilang ng mga nasaktan o nasugatan.

Huli namang namataan ang bagyong Agaton sa si-langan ng Hinatuan, Surigao del Sur na inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Oriental at Compostela Valley.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.