40 meter ‘no-build zone’ policy sa mga biktima ng Yolanda

IPINAALALA NG Palasyo na lalong lumalakas ang kalamidad na dumarating sa Pilipinas kaya kinakaila-ngang i-adjust ang polisiya ng pamahalaan.

Ito ay sa gitna ng pagtutol ng Aksiyon Klima sa pagpapatupad ng 40 meter ‘No-Build Zone’ policy sa mga baybayin ng karagatang hinagupit ng supertyphoon Yolanda.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na sinumang nakaranas ng sinalanta ng bagyong Yolanda ay maiisip na dapat nang i-modernisa at i-upgrade ang mga polisiya sa gitna na rin ng climate change.

Pero agad ding nilinaw ni Valte na nagkakaroon pa rin ng konsultasyon tungkol sa naturang polisiya tungkol sa kung gaano ang haba ng lugar mula sa baybayin ng karagatan na hindi maaaring pagtayuan ng anumang uri ng istruktura.

Ikinababahala naman umano ng grupong Aksyon Klima ang kawalan ng konsultasyon ng pamahalaan sa mga residente at mga eksperto sa nasabing lugar.

Kabilang umano sa pangamba ng mga residente ang posibilidad na mawalan sila ng trabaho at kabuhayan kapag nasakop ng 40-meter “No-Build Zone” policy ang kanilang tirahan.

Ayon pa rin Valte, kasama sa pinag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources ang nabanggit na ‘concerns’ ng mga mamamayan at patuloy pa rin naman ang ginagawang pakikipag-usap sa mga maaapektuhan ng polisiya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.