40 kabo at sugarol kalaboso

APATNAPUNG KATAO ang kalaboso bunsod ng iligal na sugal sa loob lamang ng buwan ng Hulyo ngayong taon sa General Santos City.

Sinabi ni Insp. Benjamin Mauricio, tagapagsalita ng PNP Region-12, na mula Hulyo 1-11 ngayong taon, aabot sa 31 positive operations ang isinagawa at 40 ang naaresto.

Aabot naman sa P63,000 na pera na nagsilbing pusta ang nakuha sa nasabing operasyon at naiprisinta na sa korte bilang ebidensiya.

Dagdag pa ni Mauricio, ang ginawang raid sa palengke ay bahagi ng kautusan ni C/Supt. Alex Paul Monteagudo, PRO-12 director, na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na sugal.

Sinabi ni Mauricio na mahigpit nilang ipapatupad ang kautusan ni General Monteagudo na i-relieve sa puwesto ang chief of police na nagsabing walang operasyon ng iligal na sugal sa kanyang area of jurisdiction subalit mayroong nahuli sa raid ng PNP regional office.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.