40 Iskolar ng BS Meteorology, tututukan ng CHED, DOST at Agham Party-List

PINANGUNAHAN NINA Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario G. Montejo, representante ng mga unibersidad at Agham Party-list Representative Angelo Palmones ang Memorandum of Agreement kasama ng  representante ng Commission on Higher Education (CHED) ang implementasyon ng Project COMET (Consortium for Meteorology and Training), kung saan kaugnay ang pagpapasok ng kursong pagtaya ng panahon sa kolehiyo.

Naglaan ng P20 milyon sa paunang pondo para sa implementasyon sa pinakabagong kursong BS Meteorology ngayong darating na pasukan. Sakop nito ang gastos upang tunay na maisakatuparan ang paghubog ng mga bagong dalubhasa at ang nasabing halaga ay buhat sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng partylist ni Palmones.

Ang unang limang paaralan na magkakaloob ng nasabing kurso ay ang Rizal Technological University (RTU), Visayas State University (VSU), Bicol University (BU), Central Luzon State University (CLSU) at Mariano Marcos State University (MMSU) dahil ang marami sa mga ito ay matatagpuan sa lugar na malimit bisitahin ng kalamidad, dahilan upang nararapat na sa kanila magmula ang mga dalubhasang magtataya ng panahon.

Samantalang ang biglaang pagreretiro ni Undersecretary for Research and Development Dr. Graciano P. Yumul ay personal at nais umano nitong umalis sa pamahalaan upang subukan ang kapalaran sa pribadong sektor at walang kinalaman sa sinasabing pakikialam ng pulitika sa DOST lalo sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

(MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.