40 Estudyante, nilatigo ni Ma’am

NAHAHARAP SA KASONG multiple child abuse ang 60-anyos na guro sa Pangasinan makaraang latiguhin ang kanyang 40 estudyante.

Kinilala itong si Gloria Juanitez Callejo, Grade 6 Science teacher sa Agno Elementary School.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nairita umano ang guro nang bu-magsak sa quiz ang mga estudyante kaya’t nilatigo niya ang mga ito sa hita noong Biyernes.

Dinala sa Eastern Pangasinan District Hospital ang ilan sa mga ito dahil sa mga natamong slight injury. Nagsampa naman ng kasong administratibo ang mga magulang at estudyante laban kay Callejo sa office of the principal ng nasabing paaralan. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.