40 Bahay, Naabo sa Cebu

TINATAYANG AABOT sa P500,000 ang iniwang danyos sa nangyaring sunog sa Sitio Bagong Buhay, Brgy. Don Andres Soriano (DAS), Toledo City, Cebu.

Napag-alaman na umaabot sa 40 mga kabahayan ang natupok ng apoy na nagsimula sa tahanan nina Rey at Cresilda Alguno.

Ayon kay FO1 Husto Fernandez ng Toledo Fire Station, inabot din ng mahigit sa isang oras ang pag-apula ng mga bombero sa sunog bago tuluyang nakontrol.

Napag-alaman na gawa lamang sa mga light materials ang mga kabahayan dahilan para mabilis na kumalat ang apoy.

Patuloy namang inaalam ng mga bombero ang dahilan ng nasabing sunog.

Pansamantalang pinalipat muna sa Don Andres Soriano National High School ang mga nabiktima ng sunog habang naghihintay ng tulong galing sa lokal na pamahalaan ang nasabing lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.