4 Wanted, Dakip Sa Samar; Ilang Armas, Narekober

ARESTADO NG mga awtoridad ang apat na wanted sa Samar sa isinagawang operasyon ng Special Operations Task Group (SOTG- Samar).

Nadakip ang isa sa mga salarin na kinilalang si Floro Diaz sa isinagawang operasyon ng SOTG- Samar sa Brgy. Camperito, Sta. Margarita Samar kung saan may pending itong kaso na 3 counts of Murder at 3 counts ng Frustrated Murder.

Narekober naman ng mga kinauukulan mula kay Diaz ang isang M16 rifle, .45 caliber, limang short at isang long magazine ng M16 rifle na may 129 na mga bala, isang itim na eight-pocket bandoleer, dalawang magazine assembly ng .45 caliber pistol, pitong round na live ammunitions at dalawang fragmentation hand grenade.

Isinagawa rin ang manhunt operation ng team sa Brgy. San Jose, Calbayog City kung saan nadakip sina Marcial Jalyajay at Zaldy Cajomocha sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder at Frustrated Murder.

Samantala, isa ring Junlex Cagomoc ang inaresto ng police team para sa kasong Obstruction of Justice nang inihain ang Arrest Warrant laban kina Jalayajay at Cajomoc.

Sa ngayon, dinala ang naturang mga suspek at ang mga nakumpiskang mga armas sa opisina ng SOTG-Samar para sa dokumentasyon, pagsisiyasat at kaukulang disposisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.