4 tirador ng kambing, timbog

CAUGHT IN the act ang apat na lalaki na niluluto ang kanilang ninakaw na kambing sa Barangay Cacafean, Marcos, Ilocos Norte.

Kinilala ni Sr. Insp. Adriano Licudan, chief of police ng PNP Marcos, ang mga suspek na sina Edimar Picasio, 28, walang asawa; Benjie Barit, 30, may asawa; Jasmin Antonio, 45, may asawa; at si John Frez Ignacio, 23, walang asawa, pare-parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Licudan, bago ang pagkakahuli sa mga suspek ay nakatanggap sila ng impormasyong may kambing na ninakaw sa Sitio Sta. Rosa, Brgy. Pacifico sa natu-rang bayan na alaga ng isang nagngangalang Januario Ballesteros, residente ng Brgy. Ballesteros, Dingras, Ilocos Norte.

Matapos matanggap ang impormasyon ay agad kumilos ang mga pulis sa pamumuno ni Licudan at nagtungo sila sa nasabing lugar at dito aktong nahuli ang mga suspek na niluluto na ang ninakaw na kambing sa mismong bahay nina Jasmin Antonio.

Sa ngayon, iniha-handa na ng PNP Marcos ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.