4 timbog sa pag-imprenta ng pekeng pera

APAT NA katao ang hawak ng mga awtoridad matapos mag-imprenta ng huwad na pera at iba pang bank notes sa Paniqui, Tarlac, kamakailan.
Sinabi ni PO2 Mario Simon Jr. na arestado sa pamemeke ng pera si Mark Anthony Palarca, 18, na nahulihan ng tatlong pekeng P50 bill at inutusan umano ni Aaron Co, 19, na dinakip kasama sina Michael Lambino at Joyson Palarca, 18, pawang ng Barangay Canan, Paniqui ng nasabing lalawigan.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.