4 Suspek sa Pamamaril sa Kolumnista, Arestado

NATIMBOG NG mga kinauukulan ang apat na salarin sa panghoholdap at pamamaril sa kolumnistang si Nixon Kua sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Supt. Leovigildo Manaig, hepe ng Calamba Police na naaresto bandang alas-8 ng gabi kamakalawa sina John Rey Cortez, Darwin Saniano, Michael Molino at Noel Garcia.

Positibo aniyang kinilala ng pamilya ni Kua ang apat na salarin kaya’t agad itong dinala sa tanggapan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Vicente Lim.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alamang may nakabibinbin pang kaso ng panggagahasa ang mga naturang suspek.

Matatandaang Sabado ng hapon, Hulyo 21, nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek si Kua at tangayin ang bag ng anak nitong babae na naglalaman ng P90,000 habang nasa Ayala Greenfields, Makiling Highlands, Barangay Maunong, Calamba City.

Samantala, binawian na rin ng buhay sa pagamutan si Kua.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.