4 Suspek sa Pagpatay sa isang U.S. Marine, Kakasuhan na

NAKITAAN NG probable cause ang apat na lalaking pinaghihinalaang pumatay at sumaksak sa isang U.S. Marine sa Makati. Pinakakasuhan na ang mga ito ng Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court (RTC).

Batay sa limang pahinang resolusyon ni Makati Assistant City Prosecutor Gilbert Alcala, sasampahan ng kaso ang mga suspek na sina Juan Alfonso Abastillas; Crispin Dela Paz, 24-anyos; Osric Cabrera, 27-anyos na pawang mga negosyante at Galicano Datu III, 22-anyos na isang estudyante. Ayon na rin ito kay Jose Romel Saavedra, isang guwardiya na nakakilala sa apat.

Nakita ng awtoridad sa closed-circuit television (CCTV) footage, na pinagtulungan ng mga suspek ang biktimang si George Anikow, 41-anyos an isang marine officer na nasa inactive status.

Dagdag ni Alcala, na isa lang ang sumasak sa biktima ngunit pinagtulungan naman umano nilang apat ang pagpatay kay Anikow.

Ang pagtakas din umano ng apat sa krimen, ang indikasyon ng probable guilt.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.