4 Sundalo, Sugatan sa Engkwentro sa Cagayan

SUGATAN ANG apat na sundalo matapos maka-engkwentro ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Sinabi ni Col. Loreto Mangundayog, tagapagsalita ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, ang mga nasugatang sundalo ay kabilang sa patrol troop ng 7th Infantry Battalion.

Samantala, hindi naman mabatid ng militar kung may nasugatan din sa panig ng NPA.

Sa ngayon, ang mga nasugatang sundalo ay

ginagamot sa Camp Melchor Dela Cruz Station Hospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.