4 Sugatan sa Salpukan ng SUV at Bus

TATLO ANG nasugatan sa banggaan ng isang SUV at pampasaherong bus sa southbound ng EDSA, kanto ng Nueva Ecija Ext., Quezon City.

Isinugod sa New Era Hospital ang babaeng sakay ng Toyota Innova at dalawa pang sakay nito na kapwa tumangging ibigay sa mga imbestigador ng Traffic Police ang kanilang pagkakakilanlan.

Tumanggi rin ang babaeng drayber na ibigay ang lisensya.

Nagtamo naman ng bukol sa ulo ang isang 3-taong gulang na batang babae matapos mauntog sa upuan ng Don Mariano Transit Corporation kasunod ng aksidente.

Sinabi ng drayber ng bus na si Roman Tagorda, galing siya ng northbound ng EDSA nang pinilit mag-U-turn at tumawid ng Innova kaya nakabanggaan niya nito.

Tumilapon at bumalik sa center island ang kotse kung saan bumangga ito sa poste ng Light Rail Transit (LRT) 1.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ang naturang pangyayari na bahagyang nagdulot ng pagbibigat sa trapiko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.