4 Sugatan sa Aksidente sa Pangasinan

SUGATAN ANG apat na katao matapos na masangkot sa aksidente ang kanilang mga sinasakyan sa lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Roter Paningbatan, Nilda Paningbatan, Lani Bado na sakay ng motorsiklo at Frederick Mislang, driver naman ng tricycle at residente sa nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, lumalabas na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Malakanyang nang mag-overtake ang motorsiklong minamaneho ni Roter Paningbatan dahilan para sumalpok ito sa tricycle.

Dahil dito, tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nabanggit na insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.