4 sasakyan, inararo ng truck; magkapatid at 1 pa, patay

MALAGIM ANG SINAPIT ng dalawang magkapatid at isa pa nang masawi ang mga ito makaraang araruhin ng kanilang sinasakyang 10-wheeler truck ang apat na sasakyan at isang bahay sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-7 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa Sulvec Highway sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paulo delos Santos, 15 anyos; at ang magkapatid na si Christian at si Melvin Balsita habang sugatan sina Domingo Galvez, truck driver at Genaro Cabatu.

Sa imbestigasyon ni PO2 Benny Cababan ng PNP Narvacan, lasing si Galvez, nang banggain ang isang nakaparadang sasakyan sa nasabing kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga nadamay ang tahanan ni Reynaldo Bautista, isa pang 6-wheeler Izusu Elf truck na minamaneho ni Gregorio Dasmariñas at ang nakaparadang owner-type jeep na pag-aari ng isang Renato Aquino.

Inamin ni Galvez na hindi niya nakontrol ang manibela kaya naman inararo ang nakaparadang sasakyan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong nasawi kung saan dead on the spot si Christian.

Ginagamot naman sa Gabriela Silang General Hospital sa Tamag, Vigan sina Galvez at Cabatu. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.