4 sa 10 RMNLF, Pinugutan ng Ulo ng ASG

TULUYAN NA umanong pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang apat sa 10 napaulat na pinatay na mga kasapi ng Rouge Moro National Liberation Front (RMNLF).

Kaugnay pa rin ito sa naganap na sagupaan mula pa kahapon ng umaga sa Patikul, Sulu.

Sinabi ni P/Supt. Glenn Gapor, officer-in-charge (OIC) ng Sulu Police Provincial Office, na maliban sa limang MNLF members na napaulat na namatay sa engkuwentro, hindi pa nila mabatid sa ngayon kung ilan din ang nasawi sa panig ng ASG.

Ayon kay Gapor, nagpa-patuloy pa hanggang sa mga oras na iyon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo.

Kaugnay nito, nananatiling nakaalerto ang mga awtoridad at ang militar sa lalawigan.

Napag-alaman na ang engkuwentro ng MNLF at ng bandidong grupo ay resulta umano sa hindi pagkakaunawaan hinggil sa napalayang dalawang Filipino TV crew ng Jordanian journalist sa lalawigan.

Samantala, unang nai-report na 10 ang namatay sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ASG.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.