4 Preso, nakapuga; hepe, sibak

 

TANGGAL SA puwesto ang chief of police ng Lapu-Lapu Station 3 sa Cebu City makaraang makatakas ang apat na inmates sa Brgy. Poblacion sa nasabing lungsod.

Mahaba-habang paliwanag ngayon ang kaila-ngan ni Insp. Donald Janison upang maipagpatuloy nito ang kanyang serbisyo.

Nabatid na si PO2 Jude Salazar ang nakabantay nang makatakas ang apat na preso ngunit sinasabing may binili ito sa palengke at nang ito ay makabalik ay wala na sina Junrey Iran may kasong theft, Benjamin Apare, Jr. na nahaharap sa robbery extortion, Christopher Sernal na may kasong violence against woman and children at si Albert Toregosa na sangkot sa shoplifting.

Gayunman, agad nahuli ng mga awtoridad sina Sernal at Toregosa habang patuloy pang pinagha-hanap ang dalawa.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.