4 PNP officials, posibleng masibak sa P4.9-M defective coastal craft

 

APAT PANG OPISYAL ng Phlippine National Police Logistic Support  Service’s Inspection and Acceptance Committee (PNP-LSSIAC) ang nanganganib matanggal sa serbisyo bunsod ng umano pagkakasangkot sa pagbili ng sirang kagamitan ng Police Coastal Craft (PCC) na nagkakahalaga ng P4.9 million para sa PNP Maritime Group.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, ang mga posibleng masibak ay sina Supt. Job Marasigan, Supt. Leodegario Bisay, Juanito Estrebor at Chief Insp. Renelfa Saculles ng PNP-LLSIAC.

“They are facing dismis-sal from the service for their alleged undue intervention in the March 2010 procurement and payment for 16 defective and unserviceable crafts,” ayon kay Robrero.

Sa imbestigasyon noong August 5 na isinumite ni PNP Chief Dir. Gen. Raul Bacalzo, ang nasabing 16 kagamitan ay idineliber ng Four Metals Trading noong March 10, 2010 ngunit nadiskubre ng PNP-MG na maraming depekto sa nasabing bangka at hindi naman pinalitan ng supplier.

Kabilang sa nakitang depektpo ng PNP-MG Technical Inspection Committee ang maling engine na dapat ay gasoline fed subalit naging diesel fed, hindi rin guma-gana ang engines at walang heater.

“The engines are not ope-rational, no rudder and post, damaged outrigger (katig), no ampere gauge, no canvass, no hole at the back portion of the starboard side, no alternator, stocked-up transmission, no heater plug, etc.,” ayon pa sa kalihim.

Ang nasabing depektibong kagamitan ay nakatambak sa Navotas Fish Port na ngayon ay nilulumot at pinamamahayan ng talaba. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.