4 Pinoy Peacekeepers, Pinalaya na sa Syria

PINALAYA NA ng mga Syrian rebels ang apat na Filipino U.N. peacekeepers na binihag habang nagpapatrolya sa ceasefire line sa Golan Heights, Syria.

Base sa report, hawak na umano ngayon ang mga kababayan sa mga Israeli authorities.

Una nang nagdesisyon ang United Nations (UN) nai-pullout ang mga peacekeepers units nito sa Golan Heights ceasefire zone, kasunod nang pagkakadukot sa apat na miyembro ng Philippine troops.

Ayon kay UN spokesperson Martin Nesirky, ang nasabing hakbang ay para na rin sa kaligtasan ng mga peacekeepers.

Una na ring nanawagan ang Pilipinas sa UN Security Council na gawin nito ang lahat para sa agarang paglaya ng mga kababayan.

Lumalabas sa ulat, nagpapatrolya ang apat na Pinoy sa Al Jamlah na nasa “ceasefire zone” sa pagitan ng Syria at Israel nang atakehin sila ng armadong grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.