4 Pinoy, Kabilang sa mga Pinakawalan ng Somali Pirates

APAT NA Pinoy at dalawa pang Danish crew ang pinalaya ng Somali pirates matapos ang dalawang taong pagkakabihag, ayon sa isang Kenyan maritime official.

Base sa report ng Xinhua news agency, sinabi ni Seafarers’ Union of Kenya Secretary General Andrew Mwangura na kasabay na pinakawalan ng mga pirata ang hinay-jack na M/V Leopard at anim na tripulante nito.

Enero 12, 2011 nang atakehin ng Somali pirates ang nasabing vessel.

Lumalabas sa tala, malaki ang ibinaba ng bilang ng mga insidente ng pangha-hijack ng mga barko sa Somalia na sangkot ang mga pirata matapos maiulat ang limang insidente nitong unang kwarter ng 2013

Samantala, limang barko at hindi bababa sa 165 bihag ang hawak pa rin ng mga pirata.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.