4 Patay sa Sama ng Panahon

UMAKYAT NA SA apat katao ang namatay habang 16,000 pamilya ang apektado ng pagbaha dahil sa walang tigil na ulan dala ng low pressure area.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kinilala ang mga nasawi na sina Nemia Cuales na nalibing sa landslides sa Sitio Bangbang Calizo, Balete, Aklan; Efren Denaga na nalunod sa Barangay Cabungahan, Maayon, Capiz; Sergio Toclayao na nalunod din sa Barangay Naligusan, Ibajay, Aklan; at Brian Reyes na nalunod din sa Barangay La Paz, Bamban, Tarlac.

Kabuuang 16,178 pamilya mula sa Cagayan Valley, Central Luzon at Western Visayas ang apektado ng pagbaha.

Labintatlo katao naman ang sugatan habang isa pa ang nawawala na nakilalang si Bobby Macalaging mula sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City.

Umakyat naman sa P7.9 million ang halaga ng pinsala dulot ng kalamidad.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.