4 patay sa salpukan ng 2 truck sa Quezon

APAT KATAO ANG nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang truck sa bayan ng Pagbilao, Quezon noong gabi ng Biyernes.

Sa ulat na natanggap ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. kay Highway Patrol Group Director, Chief Supt. Leonardo Espina,  ang mga nasawi ay sina Marcos Bartolome, 27-anyos, ng Bustos, Bulacan; at driver ng Isuzu Wing Van na may plakang PCI 272; at mga lulan nito na sina Mark Leslie Dela Cruz, Sonny Bartolome at Roldan Lacang.

Sa imbestigasyon, dakong 11:50 ng gabi noong Biyernes nang maganap ang insidente sa New Diversion Road, Bgy. Silangang Malicboy, kung saan nawalan ng preno ang minamanehong truck na kargado ng corned beef ni Marcos kaya bumangga sa Isuzu cargo truck na minamaneho naman ni Chrysler Aranton Hugo, may plakang TMP-829.

Galing sa Laguna patungong Pili, Camarines Sur ang grupo ni Bartolome at sinasabing nahirapan sa makurbang bahagi ng kalsada kaya nawalan ng preno ito at bumangga sa grupo ni Hugo.

Samantala, sugatan naman at ginagamot sa MMG Hospital ang mga kasama ni Hugo na sina Jose Panuelos at Heros Leomos, driver at pahinante ng cargo truck.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.