4 patay sa panloloob sa Pasig supermarket

PATULOY ANG ginagawang follow-up operations ng mga kinuukulan sa naganap na panloloob sa Robinsons supermarket sa Rosario, Pasig City.

Sinabi ni Eastern Police director C/Supt. Miguel Laurel na lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ay pinasok ng apat na armadong lalaki ang nasabing establisyemento bandang alas-11:00 ng gabi, kung saan nakilala ang isa sa mga salarin na si Hernani Lupera, dating security guard ng tindahan.

Nagawa umanong manlaban ng ilang empleyado at guwardiya ng establisyemento dahilan para magkaroon nang putukan.

Namatay sa insidente ang merchandiser na si Nonie Onas at mga guwardiya na sina Melanie Velga at Frederick Perez, Jr.

Nasawi din si Lupera matapos hampasin ng tubo ng isa pang guwardiya na si Juanito Bordadora.

Kaagad na ring tumakas ang iba pang salarin.

Samantala, ina-assess na ng mga imbestigador ang kuha ng close circuit TV camera ng supermaket.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.