4 patay sa masaker

ISANG GINANG kasama ang dalawa nitong anak at isang pamangkin ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay sa Cauayan City, Isabela, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Annabel Bartolome, 32 anyos, store owner; mga anak na sina Ana Isabela, 8; Ninon, 11; at pamangking si Junabel Martines, 14.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-12 hanggang alas-3 ng madaling-araw kahapon sa San Lorenzo Subdivision, Barangay Marabulig 1 sa naturang lungsod.

Ayon kay SPO4 Rodante Sinuto, officer on case, ang mga biktima ay tadtad ng saksak sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na hinihinalang dulot ng kitchen knife.

Napag-alamang si Anabel ay hiwalay sa asawa at may live-in partner na kinilalang si Angelito Ramos subalit may sarili rin itong pamilya.

Sa salaysay ni Ramos, dumating siya sa bahay kahapon ng madaling-araw.

Sa kanya anyang pagkatok ay wala nang sumasagot kaya’t dumaan ito sa likod ng bahay at nagulat siya pagpasok ay tumambad ang duguang mga biktima.

Gayunman, ikinukunsi-dera rin ng pulisya na suspek si Ramos dahil may pahayag ang ilang kapit-bahay na bago ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mga biktima ay narinig na nag-aaway ang mag-live in.

Itinanggi naman ito ni Ramos subalit isinailalim na rin ito sa kustodiya ng pulisya.         (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.