4 Patay sa Hagupit ni ‘Pablo’

APAT NA ang patay sa pananalasa ng Bagyong Pablo sa Mindanao at Visayas.

Sa press briefing ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, iniulat nito na nasawi si Erlinda Bolante, 60-anyos matapos mabagsakan ng puno sa Manay, Davao Oriental.

Nabagsakan din ng puno habang nagmomotorsiklo si Jigger Gomonit sa Panaon, Misamis Oriental gayundin si Elberto Daniel, 23-anyos ng Siquijor.

Ikaapat ang sundalong si Sgt. Olivarez ng Charlie Company ng 66th Infantry Batallion ng 10th Infantry Division. Nasugatan naman ang kanyang commanding officer na isang Lt. Giaceta,

Batay sa report, nasa command post ang dalawang sundalo nang magkaroon ng flashflood sa Barangay Andap, New Bataan, Compostela Valley kung saan tinangay ng agos ang dalawa.

Narekober na walang malay si Giaceta pero sinawimpalad na malunod si Rosales.

Nagsasagawa pa ng serach and rescue ang mga sundalo dahil pinangangambahang hindi lang sila ang naroon nang maganap ang pagragasa ng baha.

Samantala, umaabot na sa 8,283 na pamilya o 41,608 na indibidwal ang apektado ng pananalasa ng bagyo sa Regions VIII, X, XI at XIII.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.