4 Patay; 4 Grabe sa Selosong Seaman

 

PATAY ANG apat na katao, habang kritikal ang apat pa, nang pagbabarilin ng selosong seaman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Eden Dela Cruz, 37, ng Phase 1 Dulo, Tierra Nova Royale Subd., Bagumbong ng lungsod.

Dead on arrival naman sa Bernardino Hospital sanhi rin ng tama ng bala sa katawan sina Benjamin Templonuevo, 17; at Arnold Dizon, 32, kapwa ng nasabing lugar.

Hindi na rin umabot nang buhay sa Novaliches General Hospital sanhi rin ng tama ng bala sa katawan si Elizabeth Templonuevo, 48, ng nabanggit na lugar.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Archie Artugue, 23; Julius Bernardo, 19; Maria Dina Lagonerio, 23; at Jover Ricana, 15 pawang ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Rolly Rapit, 33, ka-live ni Dela Cruz ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-10:15 ng gabi, umuwing lasing ang suspek na nagseselos at inaway si Dela Cruz hanggang kunin ang .9mm na baril at paputukan ang huli.

Papatakas na ang suspek nang madaanan ang nagkakasayahang kapit-bahay dahil may birthday at walang salitang pinaulanan ng bala ang mga ito.

Nang maubusan ng bala ay saka lang napi-gilan sa pagwawala ang suspek hanggang sa magdatingan ang mga pulis habang dinala sa nasabing mga ospital ang mga biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.