4 patay, 30 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa Sorsogon

APAT NA KATAO ang nasawi habang nasa 30 ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa bayan ng Matnog, Sorsogon noong Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay Sr. Insp. Jeffrey Sireno, hepe ng Matnog PNP, naganap ang insidente dakong 13:30 ng madaling araw sa Bgy. Pawa sa bayan ng Matnog.
Lumabas sa imbestigasyon, nag-overtake ang Eagle Star Bus sa Philtranco na papuntang Sorsogon na dahilan para bumangga ito sa kasalubong na Silver Star bus.
Dahil sa tindi ng pagbangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang hindi pa nakikilalang mga biktima habang isinugod naman ang walo pang mga biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.
Dakong alas-9:00 ng umaga ay idineklara ng ospital na apat ang namatay sa mga biktima.
Kinilala ang ilan sa mga sugatan na sina Nelia Uso, 19; Nolasco Basubas, 62, ng Isabela; Mae Ann Dalida, 5, at Angie Dalida, 40, ng Bocaue, Bulacan; Lega De Lima 16; Ricky Boy De Lima, 19; Rosario De Lima, ng St. Bernard Leyte; at Reynante Tarabago, 43, na taga Roxas, Southern Leyte.
Ang ibang sugatan ay nasa Irosin District Hospital.
(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.