4 Patay, 3 Nawawala sa Baha

APAT KATAO ang namatay habang tatlo ang nawawala dulot ng mataas na tubig-baha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa lugar ng Caloocan at Malabon City sanhi ng hanging habagat nitong nakalipas na araw.

Sa area ng Caloocan City, nasawi ang biktimang si Irene Cubarubias, 4-anyos, nakatira sa Barangay 182 ng nabanggit na lungsod matapos malunod.

Samantala, patay rin si Dexter Esmali ng Bagong Silang matapos itong mabagsakan ng poste ng Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa lakas ng hangin.

Patay na rin si alyas Rodolfo, nasa hustong gulang, habang hinahanap pa ang mga anak nitong sina Arlene, 4 at Laida, 6, pawang ng Phase 7, Bagong Silang at Jerome Naval, 17, residente naman ng Phase 10 ng nabanggit na lugar.

Tinatayang aabot sa 6,000 pamilya ang apektado ng naturang kalamidad at naglagay naman ang pamahalaang lokal ng Caloocan ng 37 evacuation sites.

Sa area naman ng Malabon City, binawian din ng buhay ang biktimang si Diego San Jose, 44, taga-Panghulo matapos  malunod dulot pa rin ng pagtaas ng tubig-baha sanhi pa rin ng walang tigil na pag-ulan.

Mahigit naman sa 2,000 katao ang kailangan ilikas sa Niugan ng lungsod sanhi ng hanggang leeg na tubig-baha kung saan karamihan sa mga ito ay tumangging lumikas sa takot na manakawan ng mga gamit.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.