4 Patay; 24 Sugatan sa Salpukan ng 2 Sasakyan

APAT ANG nasawi habang 24 ang nasugatan matapos magsalpukan ang isang pick-up at pampasaherong jeep sa Sitio Sta. Fina, P. Noval, Davao City.

Lumalabas sa pagsisiyasat, mula Davao City patungong Davao del Sur ang pick-up habang patungo naman ng Davao del Sur ang jeep mula North Cotabato.

Base sa ulat, nag-take over ang pick-up sa sinusundang sasakyan nang hindi mapansin ng drayber nito ang jeep sa kabilang lane dahilan upang magkasalpukan ito.

Dead on the spot ang drayber ng pick-up habang kritikal naman ang dalawang pasahero nito.

Samantala, patay rin ang tatlong pasahero ng naturang jeep habang kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa Southern Philippines Medical Center ang iba pang mga sugatang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.