4 Patay; 2 Sugatan sa Pagsabog ng Granada sa Surigao del Sur

APAT NA katao ang nasawi habang dalawa ang sugatan matapos sumabog ang natagpuan nilang granada sa may Hinipaan Falls sa Sitio Hinipaan, Brgy. Poblacion, Lingig, Surigao del Sur.

Tatlo ang on-the-spot na namatay na kinabibilangan nina Michael Ambus, 17; Joselito Nonong, 19; at Nelbert Banog, 15, na pawang mga residente ng naturang lugar; habang nasawi rin nang dinala sa Lingig Community Hospital si Aiko Mae Nonong, 12.

Sugatan naman at ginagamot na sina Camille Orillo, 11; at Jake Jay Orillo, 13, na inilipat na sa Bislig City Hospital.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga rumespondeng mga tauhan ng Lingig Police Station, lumalabas na natagpuan ang granada kahapon habang naglalaro sa nasabing waterfalls at pinaglaruan ito na naging sanhi ng pagsabog.

Pinaghihinalaan ng mga awtoridad na iniwanan ng isang hindi nakilalang indibidwal ang naturang granada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.