4 patay, 2 sugatan sa jailbreak sa Pagadian

APAT KATAO ANG patay habang dalawang iba pa ang sugatan nang pitong preso ang pumuga tanghali noong Lunes sa Pagadian City.

Ayon kay Chief Insp. Michael Palermo, hepe ng Pagadian PNP, 12:40 ng tanghali nang makatakas sa kanilang mga selda ang pitong preso.

Sa ulat, nagawang agawin ng mga suspek ang armas ng jailguard na naging hudyat ng palitan ng putok.

Kabilang sa mga namatay ay isang pulis, isang jailguard at dalawang preso habang sugatan ang isang preso at jailguard.

Sa loob pa lamang ng kulu-ngan ay namatay na ang isang jailguard habang ang tatlo kabilang ang pulis ay sa may kabundukan na namatay sa patuloy sa pagtugis sa mga pumuga.

Kinordon na rin ang mga kalapit na barangay na Bulaton at Maya upang madakip ang lima pang preso na nakatakas.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.