4 PATAY, 16 SUGATAN BUS SABOG SA MAKATI

UMABOT NA SA apat na katao napaulat na nasawi habang 16 ang sugatan sa pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Makati City, Martes ng hapon.
Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-2:00 ng hapon nang sumabog ang Gold Liner bus na may plate number TXJ 710 sa north bound ng Edsa corner Buendia.

Ayon sa Makati City Police, dalawa ang nasawi habang isa ang naputulan ng paa.
Agad namang rumesponde si NCRPO Director, Chief Supt. Nicanor Bartolome upang siyasatin ang trahedya.

Sinasabing sa tindi ng pagsa-bog ay nawasak ang pader ng Forbes Park.

Kaagad namang dinala sa Ospital ng Makati at sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig ang mga biktima ng pagsabog.

(EUNICE CALMA)


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.